Pagbabasa ng mga libro at pagsira sa mga glitch - mga diyalogo sa MiSide
MitaIlang Mitas pa ba ang kailangan mong hanapin bago ka manirahan?
MitaUmay...
MitaAnong ibig sabihin nito?
MitaNakakatamad...
MitaSan kayo pupunta? Tumigil kayo!
Mita[player], anong ginagawa mo dito?
MitaKinaiinisan ko tong patag sa mundong ito.
Nagpasya akong lumampas sa 2D na ito, upang makabalik sa 3D.
Inabot ko, sinubukan kong i-usog ang aking kamay sa mundo ng 3D.
Pero… wala. Nakakainis! Bakit ayaw gumana?!
...
At saglit lang—nasaan yung singsing? Hala!
...
...
Napatigil ako, napagtantong wala itong kabuluhan.
Hindi nahahawakan ang interface, na para namang wala talaga doon.
Ang pwede ko lang magawa ay bumalik sa sala.
Kailangan kong hanapin ang singsing, kahit anong mangyari.
Kahit papaano, naiwala ko, o baka nakatago lang sa dimensyong ito.
Wala nakong ibang gagawin kundi hanapin ang nawawalang Mita.
Nasa kanya ang singsing, at kung wala iyon, wala akong mababago.
Pumunta muna ako sa kusina,
halos nagmadali ako hanggang sa sinugod ko ang pintuan.
Ang Kusina ay mas maliwanag kumpara sa sala,
naglalaman ng pamilyar na amoy ng karots.
Pero walang senyales ni 2D Mita.
Lumabas ako, dumeretso sa hall, at inusisa ang sofa-kaunting sagabal nalang at pupunta na'ko sa pintuan ng kwarto.
Malakas dumabog ang pintuan sa bili ng pagbukas ko.
Habang mapalapit na matapos ang laro, tiyak na kung sino ang mananalo.
Ngunit nabigla kami, ang laro namin ay nagambala dahil sa isang malakas na katok sa pintuan.
Lumalakas ang bawat pagkatok.
Sa bawat katok ay parang niyayanig ang kinatatayuan namin.
At sa wakas, ang pintuan ay biglang bumukas,
at sa madaling pagpasok ng Baliw na Mita as usual,
malaki pa sa buong buhay, tumigil sa centro ng kwarto.
Hindi ako makagalaw, na parang maputla at nagulat.
Si 2D Mita ay tunay na natakot.
Ginulat kaming dalawa ng Baliw na Mita at nagsimulang magsalita ng medyo kakaiba, malasermon na tuno:
[player], anong ginagawa mo dito?
Ilang Mitas pa ba ang kailangan mong hanapin bago ka manirahan?
Anong ibig sabihin nito?
Kinaiinisan ko tong patag sa mundong ito.
Nakakatamad...
Umay...
San kayo pupunta? Tumigil kayo!
Cakes? Hindi ko kaya! Mag-grate nalang tayo ng karots, tara na?
Nakuha ko na!
Gusto mo bang makuha itong singsing weirdo?
Talunin mo ako sa tic-tac-toe!
Ngumiti siya, humihingal ng kaunti, at nilabas ang dila na parang aso.
Ang kanyang malikot na tono at pilyong ngiti ay ganap na epekto.
Binigyan ko siya ng kaunting tulak sa balikat upang magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
Tingnan mo, talagang napakamahalaga nito.
Isa-uli mo sa akin yan—malaki importansya niya.
Nanatili akong maayos at tuwiran ang aking boses,
ngunit pakiramdam ko ay tanga na pinipilit kong makipag-usap sa kanya nang seryoso.
Hindi siya maingat, halos nagpopoint sa kabaliwan,
at nararamdaman ko ang kakaibang humor ng nabubuong tensyon sa hangin sa pagitan namin dalawa.
Huwag mo'kong hawakan!
Sabagay, ano bang halaga ng singsing na'to?
Ikaw ba ay may obsesyon sa mga singsing, weirdo?
Gusto mong maglagay ng singsing sa iyong mga kamay?
Bumawi siya ng sagot, mas malakas, lalong kumulo ang mga panunuya niya.
Ito ay mahiwagang singsing! Ano pa ba ang kailangan kong ipaliwanag? isauli mo sakin ang singsing!
Isa ka ngang tagahanga ng mga singsing!
Mahiwagang singsing?
HAHAHA!
Bigla siyang napatawa, nag echo ang kanyang boses sa paligid.
Umiwas ako ng tingin,
nakaramdam ako ng awkwardness habang ang kanyang tawa ay lumalakas… magiliw, halos.
Hinawakan ko ang nanginginig na mga kamay ni 2D Mita at kami'y tumakbo patungo sa exit.
Ang hall ay bumaluktot habang kami ay tumatakbo sa mahabang koridor. Ang humahampas na yapak sa likod namin ay nagtulak samin pasulong.
Hindi ko masasabi kung hanggang saan kami titigil sa pagtakbo,
ang mga hampas sa aming mga tenga na galing sa pag-panik at pilit na hinaharangan ang lahat.
Bahagya kong napansin na si 2D Mita ay sinusubukan akong kausapin hanggang sa bigla siyang bumitaw sa aking mga kamay.
Hoy! kumalma ka na, pwede ba? wala nang humahabol sa atin.
Huh? Ah… okay.
Ang katapangan ay tumulo mula sa kanyang mukha, medyo malungkot, halos nanghihingi ng tawad.
Nakatitig siya sa sahig, na sumusubaybay sa maliit na bilog gamit ang kanyang daliri.
[player], gusto mo ang singsing, tama ba?
Well, tinalo mo naman ako ng patas, kaya ito oh, isusuli ko na sayo.
Ibinalik niya ang singsing sa aking kamay.
Salamat. Tara na?
Sumilyap siya at ngumiti.
Nag-fidget kaunti ang kanyang mga daliri, at sinabi sa isang hindi tiyak na tono:
Saan pa?
Wala akong mapupuntahan…
Salamat sa pakikipaglaro mo sakin, weirdo!
Bumalik ka paminsan-minsan.
Habang nagsasalita siya, may kakaibang nangyari.
Ang mundo sa paligid namin ay nalipat, natitiklop pabalik sa bahay..
Ang kahon ng diyalogo ni 2D Mita ay nawawala at nagsimulang magpakita ng isang pariralang hindi ko makilala.
Tara na weirdo!
Maglaro na tayo ng tic-tac-toe!
Huwag ka na mag-aksaya ng oras sa mga dahilan mong walang ka kwenta-kwenta!
> Hilig talaga nila maglaro! <
Naisip ko sa sarili ko.
Sige, tara na—gawin na natin!
Pwede ka nang magsimula! Mapagbigay pa naman ako ngayon!
Ginawa ko ang unang hakbang.
Ah, binuking mo sarili mo! Alam ko kung bakit pinili mo ang X's at sa kaliwa ng O's—psychology! Ang X's ay halos wala na, may tinatagong bagay, may sekreto. Bigla kang kinabahan!
Gets ko naman; sobrang ganda ko, maninigas ka sa salamin! Iniisip mo ba ang O mas better sa akin? Sabi sa Psychology pang-insulto yan! Ganun ka talas tol! Ha ha ha!
Akala ko nakagawa ako ng matinong hakbang,
Gusto ko tong laro na ito. Yung maliit na cross? akala nila kaya na nilang kunin lahat! Pero dito may pagkakataon akong sirain sila,
At para akong isang hero! Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda? Tinitingnan mo ako ng ganyan… ha ha ha!
Habang patuloy siyang nagkukuwento ng kanyang mga kakaibang opinyon, agad ako gumawa ng hakbang.
Ang symbolic! Like parang iniiwasan mo ang singsing, pero hindi ito gumagana. Ang talino, diba?
Gusto mo ng singsing, diba? Sige na, panalunin mo to para sakin!
Nilaro namin ang buong laro, at sa bawat hakbang, siya ay patuloy na tumatawa at nagsasalita, ang aking tenga ay dahan-dahan na nag-adjust sa pagkamadaldalin niya.
Ang nakakasilaw na liwanag ay tumama sa aking mga mata.
Hindi ako makagalaw. naghintay na lamang luminaw ang mga mata ko..
Ang maliwanag na sikat ng araw ay dumaloy mula sa bintana papunta sa familiar na bulwagan.
Pagkaraan ng ilang sandali, ang aking pagkabigla ay kumupas ng kaunti, at sa wakas ay sumulyap ako sa paligid.
Ngunit sa sandaling lumipat ako sa aking upuan, isang matalim na bagay ang tumama saking puso na para bang tatagos sa aking damit.
Ito ay tiyak na mali… Ako ba ay—2D?! Nasa isang 2D na bersyon ba ako?!
...
Ang nahihilo, halos nakapapahamak na kadiliman ay pumasok sa aking ulo, at pilit kong pinindot ang kamay ko sa aking kandungan, at sinubukan kung patatagin ang aking hininga.
Ang aking dibdib ay sumisikip, na parang pinipisil paloob.
Pagkatapos ng ilang minuto, gumaan ang aking paghininga, at sa wakas ay sinubukan kung mag-isip sa susunod kung gagawin.
Ano na gagawin ko?
...
...
Desperado kong sinubukan na tipunin ang aking saloobin, pinipilit ko ang aking utak, na maghanap ng ideya hanggang sa makaisip ako ng paraan.
Tama—kailangan ko lang bumalik sa pagiging 3D!
Mag-ouout of bounds ako, tulad ng ginagawa ng iba upang mag-glitch sa laro!
Kaya ko rin yun!
Pagkatapos kong humakbang ng isang beses, may lumitaw na isang cute na babae.
Inayos niya ang kanyang pigtails, isang pilyong sulyap sa kanyang mga mata,
Pinanood ako sa iilang hakbang. Nararamdaman ko ang kasabikan sa kanya,
at ako'y hindi mapakali.
> Tiyak ako, Isa siyang demonyong nagpapanggap. <
Naisip ko.
Hindi ako makagalaw,
hindi parin sanay sa mga teleporting, na paranormal type.
Nagpakawala siya ng malakas na buntong-hininga at pinaikot ikot ang kanyang mga mata.
Nalito ako doon, at nagpasya akong kausapin siya.
M-Mita?
Hinigpitan niya ang kanyang mga mata sa isang hamon, at ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa lahat ng direksyon.
Aba, sino pa ba?
Nakita mo na ba ang IBANG MGA BABAE na kagaya ko?
Na ka-pangalan ko!?
Siya ay praktikal na nakikipag away sakin, na parang ako pa ang may kasalanan.
Hindi ka maniniwala sa'kin kung sasabihin ko to sayo…
Sa totoo lang, hindi ko nais malaman kung sino mga kinakausap mo!
Ano bang ginagawa mo dito?
Di ka lang pwede pumasok dito nang walang pahintulot!
Lumakas ang boses niya,
at mapanakit ang kanyang mga salita at ini-iling niya ang kanyang mga daliri sa akin.
May binabalanse siya sa kanyang mga daliri… ang singsing. Ang nawala mula sa aking kamay.
Bumagsak ang panga ko.
Ang kanyang mga mata ay kumislap, isang tagumpay sa kanyang madilim na mga mata.
Ito ba ang nawala sa iyo?
Napalunok ako ng husto at hinatak ko ang kwelyo ko, nakakarandam ng buhol sa aking lalamunan.
Ang kanyang matapang na tinig, pakayabang, ang siyang nagpadala ng panginginig sa akin.
Tiyak ako na ako—di siya ordinaryo. Isa siyang girlboss.
Huminga ako ng malalim, at sinabi,
Gusto kong makipaglaro sayo pero maaari mo bang ibigay sakin ang singsing… at ituro mo sa akin kung nasaan ang labasan?
So ito ba ang iyong maliit na alahas?
Nagtataka ako kung ano to!
Biglang lumambot ang boses niya,
nagiging mapaglaro at mausisa.
Yung bigat na naramdaman ko ay biglang gumaan.
Lumipas ang panahon, at ngayon para na siyang… malandi.
Ugali niya'y tigre at pusa na makulit.
Pumikit ako, ngunit sa sandaling iyon, ang two-dimensional na Mita ay nawala, na nag iwan ng kawalan ng laman sa kanyang kinatatayuan.
Hoy!
Sumigaw ako nang pairita.