Laktawan ang nilalaman
MiSide

Mga player at cartridge nila sa MiSide

Player 1I-rebootAng player ay morally nanghihina na may nakabaon at mapanlikhang kalikasan na kanilang pinanghahawakan ng hindi sila mapasobra sa lantarang kasiyahan. Sila din ay nanghuhula ng kanilang mga salita at desisyon, pero ang pangdududa sa sarili ay balanse sa mapangtahimik na determinasyon. Sa pag enter sa mundo ng MiSide, nakakaranas sila ng pagkabalisa pero tinatanggi na Ito'y ma paralyze sila. Tinatanggi ng Crazy Mita's ang madalubhasang pilosopiya at muling nabigyan ng motivation na tulungan ang ibang Mitas, na kukuha ng delikadong pagsubok na makapagsuporta sakanila dulo't ng kanilang paghihirap at pagsubok.Player 2Player 2Ang loopBago ako matulog, naisipan kong icheck tong laro. Hindi ko inaasahan na mahihigop ako sa loob nito. Ang unang napansin ko? Sobrang liwanag dito. Di ko gusto ng liwanag, mas sanay ako pag gabi sana. Sobrang linis ng paligid dito na parang sa kwarto ko lang pero kabaliktaran nun. Tapos si Mita. Ang cute niya at nakakagulat kasi ang talino niya, pero nahihirapan akong makipag-usap sa kanya. Hindi talaga ako sanay makisalamuha. Pero, hindi naman na masama dito. Wala akong kailangang bayaran, pati na rin sa pagkain—siya na ang magaasikaso sa lahat. Pero bakit? Ano ang kapalit? Si Mita ba ay talagang ganoon kabait, o may namiss akong isang bagay?Player 3Player 3Higit pa sa MundoAng pagtakas mula kay Mita—ang nagdala sa akin sa mundong ito—ay ang pinakamagandang desisyon na nagawa ko. Doon ko siya natagpuan: ang bulaklak na Mita, siya ang pinakamagandang babae na nakita ko. Para magkasundo kami, Lahat ng bagay ay ginawa namin, palagi kaming magkasama, at kahit sa simpleng katahimikan ay perpekto basta’t nasa tabi ko siya. Tapos naisipan kong lumabas sa bahay niya at tuklasin ang iba pang bersyon, upang makilala ang iba pang Mita. Pero ngayon... ito ang pinakamalalang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.Player 4Player 4Maliit na MitaSobrang saya ko nang gayahin ko si Mita! Walang ibang nakakagawa ng Mita cosplay tulad ko—halos perpekto na ako dito. Kaya naman maiisip mo kung gaano ako natuwa nang mapunta ako sa larong ito! Mismo si Mita pa ang humingi ng tips sa akin kung paano gawin ang parehong makeup. Mukhang interesado rin siya sa buong impersonation thing—sobrang saya, ‘di ba? Pero... pakiramdam ko yata naiinis na siya sa akin. Ang pagyakap sa kanya ng buong araw ay baka sobra na, pero hindi ko mapigilan! Sa susunod na makita ko siya, kukurutin ko pisngi niya—deserve niya iyon dahil ang sobrang cute niya!Player 5Player 5Level 12Ang sakit sobra! Bakit niya ginagawa ito sa akin? Bakit ako? Ang lahat ay nagsimula nang maayos... pero tingnan mo ako ngayon—nakahandusay sa sarili kong dugo, hindi ko matiis ang sakit. Malamang, mahahanap niya rin ako, tulad ng ginawa niya sa iba. Gagawin niya akong cartridge, i-rerestart ako, at uulitin ang bangungot mula simula. Hindi. Hindi ko hahayaan iyon. Gusto ko lang matapos to. Pakiusap.. hayaan mong matapos ang lahat.Player 6Player 6CappieAno!? Ang galing nito! Hindi ba pangarap ng bawat lalaki na makasama ang isang tao na kasing ganda at mapagmahal? No way na makakabalik pa ako. Gagawin ko ang lahat ng mga hiling niya—kahit ano—para lang manatili siya at mahalin ako. Kahit pa utusan pa akong gumawa ng... masama... gagawin ko ang lahat para sa kanya, gagawin ko ang kahit ano para lang sa kanya.Player 7Player 7Tumakbo ka at magtago!Nang unang dumating ako sa mundong ito, sinalubong ako ni Mita. Palakaibigan siya sa una... pero hindi nagtagal ang lahat ng yun. Isang umaga, nagising ako sa isang madilim na basement, nakakulong sa likod ng mga rehas. Mabuti na lang, hindi naka-lock ang pinto. Nakalabas ako at napunta sa kakaibang mga paikot-ikot na silid. Akala ko ito ay isang glitch. Habang nagpapatuloy ako, nakasalubong ko ang isa pang Mita—mukha siyang ballerina, at ikinuwento ang pangarap niyang sumayaw sa harap ng madlang pipol. Mukhang may mali sa kanya, kaya nagpasya akong magpatuloy, pero nakita ko siya muli. Sa pagkakataong ito, kinuha niya ang isang console at...Player 8Player 8Level 15Gusto ko ang lugar na ito. Nasanay na akong magbasa ng libro palagi, at pagkatapos nun, at ng sumunod, ako'y naglalaro ng Mita na dapat kong alagaan. Biglang isang araw, ako ay biglang napadpad dito! napaka astig at siyempre, Ako din ay nadismaya na hanapin dito na wala masyadong libro ang mundong ito. Bagamat si Mita! siya ay mabait saakin. Sabi niya saakin lahat, pati na din ang mga sikreto na bagay, isa na dito ang kanyang cartridges. sa balik, kinailangan kong magsulat ng libro tungkol sa mundo ko at ng maipaalam sakanya. Ako'y umaasa na, kapag nagging isa akong cartridge, di niya ako makakalimutan or iiwan ako...Player 9Player 9Maging tapatAno bang problema niya? Hindi ko naman ito ginusto sa lugar na ito sa simula palang! Pasalamat, ako'y swerte na nakahanap ng magarang sapatos, na kung saan ako'y Kahit papaano nakahanap ng abilidad ma tumalon sa iba't ibang bersyon. Akala ko makakatakas ako, hinanap ko din ang aking sarili sa pinaka bagong bersyon, at baka makahanap ko ng clues. Pero kapag ako ay nakabukas na ng pinto, lahat ng aking Nakita ay walang laman na silid, ang katahimikan ay isang madness. Kaya naman nagdesisyon ako na bumalik sa zero version. Narinig ko ang core ng game ay naandun, ang pinaka orihinal ng MiSide. Ang Core ay hindi mapanghahawakan ng Kahit anong Mitas, ngunit may isa na nag siklab sa Core na iyun. Hindi siya kagaya ng iba. Nakakatakot, sa paraan na siya ay nakatitig saaken ng malagim at ng may lamig, pero hindi siya na nsglatag ng daliri saakin. Kaya naman ang Core ang aking safe place, at naghanap at gumawa ng paraan upang malutas ang kakaibang mga kompyuter na gumagana. Ako'y umaasa na makakahanap ako ng solusyon para makaalis a mundong ito...Player 10Player 10I-rebootTuruan ng engineering skills si Mita ay sobrang saya! Bagay talaga kame, parang magkakaibigan. Siya ay marami ding mga katanungan, bagamat ang masayang part ay makipag hand-on practice sakanya. Nakukuha niya agad ang aking mga tinuturo, ang pakiramdam ko ay ako ang tinuturo, at hindi ang kabaliktaran. Pero... bigla nalang siyang nawalan ng interest saaken at tumigil ang pakikipagusap niya saaken. Ngayon, hindi ko na alam anong gagawin.