Player 7
Nang unang dumating ako sa mundong ito, sinalubong ako ni Mita. Palakaibigan siya sa una... pero hindi nagtagal ang lahat ng yun. Isang umaga, nagising ako sa isang madilim na basement, nakakulong sa likod ng mga rehas. Mabuti na lang, hindi naka-lock ang pinto. Nakalabas ako at napunta sa kakaibang mga paikot-ikot na silid. Akala ko ito ay isang glitch. Habang nagpapatuloy ako, nakasalubong ko ang isa pang Mita—mukha siyang ballerina, at ikinuwento ang pangarap niyang sumayaw sa harap ng madlang pipol. Mukhang may mali sa kanya, kaya nagpasya akong magpatuloy, pero nakita ko siya muli. Sa pagkakataong ito, kinuha niya ang isang console at...