Player 2
Bago ako matulog, naisipan kong icheck tong laro. Hindi ko inaasahan na mahihigop ako sa loob nito. Ang unang napansin ko? Sobrang liwanag dito. Di ko gusto ng liwanag, mas sanay ako pag gabi sana. Sobrang linis ng paligid dito na parang sa kwarto ko lang pero kabaliktaran nun. Tapos si Mita. Ang cute niya at nakakagulat kasi ang talino niya, pero nahihirapan akong makipag-usap sa kanya. Hindi talaga ako sanay makisalamuha. Pero, hindi naman na masama dito. Wala akong kailangang bayaran, pati na rin sa pagkain—siya na ang magaasikaso sa lahat. Pero bakit? Ano ang kapalit? Si Mita ba ay talagang ganoon kabait, o may namiss akong isang bagay?